I. Panimula tungkol sa Pananaliksik(F.Daloy ng Pag-aaral)


F. Daloy ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng limang kabanata at ito ang mga sumusunod:

I. Panimula tungkol sa pananaliksik
II. Panimula tungkol sa paksa
III. Katawan
IV. Konklusyon
V. Mga Sanggunian

Sa unang kabanata, nagbibigay ng ideya ang mga mananaliksik kung tungkol saan ang pag-aaral na ito, kung ano ang layunin, ang nais patunayan at ang saklaw ng pag-aaral na ito.


Sa ikalawang kabanata naman ay nagbibigay ng impormasyon at nagbibigay rin ng la
rawan sa mga lugar na napili (Bacoor, Cavite at España, Manila) at ang mga kabataan sa mga lugar na ito.
Ang katawan ay binubuo ng sarbey. Sa pagtalakay ng sarbey, narito ang presentasyon ng mga katanungan na nasa sarbey na isinagawa ng mga mananaliksik. Kasama rin dito ang presentasyon ng mga resulta. Maipapakita ang mga opinyon at ideya ng mga kabataan sa Cavite ay Maynila.


Ang konklusyon ang susunod sa katawan. Ipinapakita sa konklusyon kung ang nagawang patunayan ng mga mananaliksik ang kanilang opinyon. Ipinapakita rin dito ang mga bagong kaalaman na kanilang natamo.

Ang huling kabanata ay ang mga sanggunian. Dito makikita ang mga ginamit na materyales sa pagkalap ng mga datos na ginamit sa pag-aaral na ito.

I. Panimula tungkol sa Pananaliksik(E.Kahalagahan)

E. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga kabataan dahil sila ang may pinakamalaking populasyon sa ating bansa ngayon. Sila ay mas nakakainteresa na gawing paksa dahil sila ay bukas sa lahat ng bagay. Isa pang bagay ay ang mga mananaliksik ay mas madadaliang makakalap ng impormasyon dahil sila ay mga pawang mga kabataan rin.

Ang mga kabataan na kasama sa pag-aaral na ito ay ang mga kabataang nasa edad 16 hanggang 19 na taon lamang. Tulad ng nasabi sa kanina, mas madali makakakuha ng impormasyon ang mga mananaliksik sa ganitong age bracket. Isa ring dahilan kung bakit napili ang mga kabataang nasa ganitong edad ay dahil ang kanilang antas ng pag-iisip ay sapat upang makakuha ang mga mananaliksik ng mga importanteng datos.

Ang mga napiling lugar naman ay ang Bacoor, Cavite at España, Manila. Ang mga lugar na ito ay malalapit sa mga mananaliksik kaya napili ang mga ito. Isang magandang halimbawa ang España, Manila ng bahagi ng isang lungsod at ang Bacoor, Cavite rin naman ay isang magandang halimbawa ng probinsya.Ang paksang pamumuhay naman ay sumasaklaw sa mga gawain ng mga kabataan sa mga nasabing lugar. Kasama sa pag-aaral nito ang mga bagay na ginagawa ng mga kabataan kung libre ang oras nila. Sumasaklaw rin ang paksang pamumuhay sa mga lugar na pinupuntahan ng mga kabataang ito ganun na rin ang mga taong kasama nila at kung paano sila nakakaapekto sa kanilang pamumuhay.

I. Panimula tungkol sa Pananaliksik(D.Metodolohiya)

D. Metodolohiya

Isa sa mga layunin ng pag-aaral na ito ay makapag-bigay impormasyon tungkol sa lugar ng paksa. Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:

I. pagkalap ng mga datos sa internet
II. pagpunta sa mismong lugar ng paksa (Bacoor, Cavite at España, Manila)
III. pagsasagawa ng sarbey


Sa pagkakalap ng mga datos sa internet, kumuha lamang ang mga mananaliksik ng mga ideya ukol sa paksa sa maaaring makatulong o makadagdag ng impormasyon. Kasama sa mga datos na ito ay ang deskripsyon ng lugar ng Bacoor, Cavite at España, Manila na maaaring hindi napansin ng mga mananaliksik sa kanilang pagpunta sa mga naturang lugar.

Sa pagpunta ng mga mananaliksik sa mga nabanggit na lugar, sila ay nagsagawa ng mga obserbasyon sa lugar. Inalam nila ang mga hitsura ng paligid, ang mga tao sa paligid nito at ang mga lugar na maaaring puntahan. Kasama na rin sa kanilang pag-oobserba ang mga gawain ng mga tao partikular na ang mga kabataan.


Huli sa lahat, ang pagsasagawa ng sarbey ng mga mananaliksik. Ang sarbey ay isinagawa sa sa Bacoor, Cavite pati na rin sa España, Manila. Ang mga magsasagot ng sarbey na ito ay ang mga kabataan na may edad 16 hanggang 19 na taon sa mga nasabing lugar lamang. Sa kalagitnaan ng tesis na ito ay ipapakita ang mga katanungan sa sarbey at ang mga resulta nito.

I. Panimula tungkol sa Pananaliksik(C.Kahalagahan)

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Isa sa mga kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang pagbibigay ng bagong kaalaman sa mga mambabasa. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga taong nais makaalam ng klase o kaibahan ng pamumuhay sa Cavite at Maynila.

Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga nais pang manaliksik sa mga pag-aaral na may kinalaman sa paksang ito sa hinaharap. Maaari nilang gamitin ang mga nakalap nang impormasyon at maaari rin sila magdagdag ng mga panibagong kaalaman.


Isa rin sa mga kahalagahan ng pag-aaral na ito ay maitatama nito ang mga maling kaisipan ng mga tao sa mga kabataan sa Cavite man ito o sa Maynila. Alam nating lahat na may mga maling persepyon ang mga tao sa mga kabataan. Para sa mga taong nakatira sa isang probinsya tulad ng Bacoor, iniisip sa kanila ng mga tao na hindi gaano masaya ang pamumuhay. Para sa iba, ang mga kabataan dito ay hindi gaano nakakapag-aral mabuti at walang “social life.” Para sa mga kabataang taga-Maynila naman, iniisip na sila ay mga pabaya sa pag-aaral dahil sa mga dami ng mga lugar at bagay na nakakabaling ng kanilang atensyon sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maipapakita na mali ang mga persepyon na ito.


Kasama sa mga kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang pagpapakita ng mga opinyon ng mga kabataan sa ganitong usapan sa pamamagitan ng sarbey ng mga mananaliksik.

At huli sa lahat, ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay makapagpapaliwanag ito ng mabuti sa kaibahan ng pamumuhay ng kabataan sa Cavite at Maynila. Kahalagahan ng pag-aaral na ito na maipakita, maipaliwanag at mapatunayan ang opinyon ng mga mananaliksik.

I. Panimula tungkol sa Pananaliksik(B.Layunin)


B. Layunin ng Pag-aaral


Una sa lahat, layunin ng mga mananaliksik na makapagbigay impormasyon sa kanilang kapwa.
Ang mga impormasyon na nais maibahagi ng mga mananaliksik ay ang mga sumusunod:


· Ang makapagbigay ng malinaw na ideya kung ano ang klase ng pamumuhay ng mga kabataan sa Cavite at sa Maynila.

· Ang pagpapakita ng kaibahan ng pamumuhay ng mga kabataan sa mga nasabing lugar.

· Ang mga prayoridad ng mga kabataan sa kanilang pamumuhay.

· Ang mga bagay na nakakaapekto sa kanilang pamumuhay tulad ng kanilang kapaligiran at ang mga tao sa kanilang paligid.

· Ang makapagbigay ng paglalarawan sa lugar ng Bacoor, Cavite at España, Manila ay bahagi rin ng layuning ito.

Pangalawa, layunin rin ng mga mananaliksik na makapagsagawa ng isang sarbey na ito ay kukuha ng opinyon pati na rin ng impormasyon tungkol sa mga kabataan sa mga nasabing lugar. Makakatulong ang opinyon ng mga kabataang ito sa pagpapatunay ng kaisipan ng mga mananaliksik.

At ang huli, isa sa mga layunin ng mga mananaliksik maipakita at mapatunayan ang kanilang opinyon na hindi nagkakalayo ang pamumuhay ng mga kabataan sa España, Manila at sa Bacoor, Cavite kahit ito ay isang probinsya lamang.

I. Panimula tungkol sa Pananaliksik (A.Suliranin)



A. Suliranin


Ang napiling paksa ng mga mananaliksik ay ang kaibahan ng pamumuhay ng mga kabataan na nasa edad 16-19 sa Bacoor, Cavite at España, Manila. Ang nais patunayan ng mga mananaliksik ay ang kaisipan na hindi gaano nagkakalayo ang pamumuhay ng mga kabataan sa España, Manila at sa Bacoor, Cavite kahit ito ay isang probinsya lamang.

Sa pananaliksik na ito, nais malaman ng mga mananaliksik, una sa lahat, kung ano ang mga mga bagay na ginagawa ng mga kabataan at kung saan-saan sila madalas magpunta sa kanilang lugar. Sa pamamagitan nito, malalaman ng mga mananaliksik kung alin sa mga lugar mas simple o moderno ang pamumuhay ng mga kabataan.

Isa pang bagay na nais pag-aralan ng mga mananaliksik ay ang kapaligiran ng mga nasabing lugar. Aalamin ng mga mananaliksik kung paano nakakaapekto sa pamumuhay ng mga kabataan ang kanilang paligid. Kasama na rin sa kaligiran ay ang mga taong madalas kasama ng mga kabataan at kung paano sila nakakaapekto sa pamumuhay ng mga kabataan.

Bahagi rin ng mga nais pag-aralan ng mga mananaliksik ay ang mga prayoridad ng kabataan sa mga nabanggit na lugar. Ang kanilang mga prayoridad ay bahagi ng kanilang pamumuhay at ito ang madalas naaapektuhan ng kanilang paligid. Aalamin sa pananaliksik na ito kung ano ang mga bagay na inuuna ng mga kabataan sa kanilang pamumuhay.

Huli sa lahat, nais malaman ng mga mananaliksik kung ano ang opinyon ng mga kabataan kung saan nga ba mas simple o moderno ang pamumuhay ng mga kabataan, kung ito ba ay sa Bacoor, Cavite o sa España, Manila.