Pabilang na Balangkas ng Pag-aaral
A. Suliranin
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Kahalagahan ng Pag-aaral
D. Metodolohiya
E. Saklaw at Limistasyon ng Pag-aaral
F. Daloy ng Pag-aaral
II. Panimula tungkol sa Pananaliksik
A. Kapaligiran ng España, Manila
B. Mga Kabataan ng España, Manila
C. Kapaligiran ng Bacoor, Cavite
D. Mga Kabataan ng Bacoor, Cavite
III. Sarbey
A. Presentasyon ng mga Tanong
B. Presentasyon ng mga Resulta
IV. Konklusyon
V. Mga Sanggunian
V. Mga Sanggunian
- http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/a/ab/Ph_locator_cavite_bacoor.png
- http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/d/dd/Espana_Boulevard.jpg
- http://en.wikipedia.org/wiki/Espa%C3%B1a_Boulevard
- http://en.wikipedia.org/wiki/Bacoor
IV. Konklusyon
III. Sarbey(B.Resulta)
Sa mga datos na aming nakalap ay napag-alaman namin na pare-pareho lamang ang mga uri ng libangan ng mga kabataan mula sa Cavite at Maynila tulad ng pag iinternet, panonod ng tv, pagbabasa ng libro at pagtetext para sa mga babae habang paglalaro ng computer games tulad ng dota, paglalaro ng basketbol, at pagtambay naman sa mga lalake.
Tanong 3
Tanong 4 & 7
Ang mga tao na nasa paligid nila ay ang maraming klase kanilang pamilya, kamag-aral, mga kaibigan at barkada, malaki ang epekto nito sa kanilang pamumuhay nariyan ang kanilang pamilya at mga mabubuting kaibiganna siyang nagbibigay inspirasyon sa kanila at meron din naman mga kaibigan na nakakaimpluwensiya sa kanila sa maayos o masamang gawain.
Ang mga bagay na nakakaapekto sa kanilang pag-aaral ay cellphone, telebisyon, internet at mga extra correccular activity sa paaralan dahil ito ay diversion sa pag-aaral, nililihis nito ang kanilang atensyon. Ang paligid na kanilang ginagalawan man din ay nakakapekto dahil kung ito raw ay magulo, hindi sila makakapagconcontrate sa kanilang ginagawa at meron ding mangilan-ngilan na nagsasabing ang problemang penansyal kung kaya naapektohan ang kanilang pag-aaral.
Tanong 5
Tanong 6
Nakakaimpluwensiya ang kapaligiran sa kanilang mood dahil pag mas matiwasay ay maganda ang kanilang pakiramdam, sa kanilang pananaw ukol sa kung ano ang maganda at hindi magandang tingnan, sa kanilang ugali dahil sa mga klase ng tao na nakapaligid sa kanila dahil ito ang parang nagmomotivate para sila ay mag-aral at gawing maayos ang landas na kanilang tinatahak.
Tanong 8
Ayon sa sarbey anim sa bawat sampung kabataan (6:10) ang nagsasabi na mas simple ang buhay at balanse ang pamumuhay ng mga kabataan sa lungsod kung ikukompara sa probinsya. Ito ay nangangahulugan lamang na hindi nagkakalayo ang pananaw ng mga kabataan ukol sa kung paano ang pamumuhay sa probinsya ng Bacoor, Cavite at Lungsod ng Sampaloc, Manila.
III. Sarbey(A.Katanungan)
1. Ano ang iyong libangan sa mga oras na libre ka?
2. Saan ka madalas nagpupunta kung wala kang gagawin?
3. Kung papipiliin ka, ano ang mas ayon para sa iyo? (Lagyan ng tsek ang kahon ng iyong napili).
- manatili sa bahay
- magpunta sa mall
4. Ano ang mga bagay na nakakaapekto sa iyong pag-aaral? Gaano kaseryoso ang iyong pagkatuon sa pag-aaral?
5. Ayusin ang mga sumusunod ayon sa kanilang kahalagahan (1-pinakamahalaga; 4-hindi gaano mahalaga):
- pag-aaral
- oras para sa sarili
- pamilya
- mga kaibigan
6. Paano nakakaimpluwensya ang iyong kapaligiran sa iyong pamumuhay?
7. Sinu-sinong mga tao o anong mga klaseng taong madalas sa iyong paligid? Paano sila nakakaapekto sa iyo?
8. Base sa iyong opinion, saang lugar mas simple at balanse ang pamumuhay ng mga kabataan?
- Probinsya (Bacoor, Cavite)
- Lungsod (España, Manila)
II. Panimula tungkol sa Paksa
Ang kabataan sa probinsya ay hindi masyadong katulad ng nasa lungsod. Gayunpaman, sila rin ay may pagkakatulad. Mas may mga lugar silang mapaglalaruan ng basketball at ng iba pang-outdoor games. Marami na rin ang mga lugar na napupuntahan ng mga kabataan sa Bacoor. Sila rin ay nagiging mapusok na. Maimpluwensya na rin ang mga kaibigan nila sa mga ginagawa nila.
II. Panimula tungkol sa Paksa(C.Kapaligiran-Bacoor)
Ang Bacoor ay isang urbanisadong lugar sa probinsya ng Cavite. Ito ang kauna-unahang congressional district sa probinsya ng Cavite. Ito ay isa sa mga mauunlad na munisipalidad sa probinsya ng Cavite. mayroon na ring dalawang SM malls na itinayo dito.
Cavite, isa itong chartered city at seaport sa north ng Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Luzon Island, sa Manila Bay, malapit sa Manila. Ang pangunahin nitong kalakal ay mais, palay,asukal, Kape, kakao, kopra, saging. Ito ay isa sa mga lugar na may pinakamalaking kontribusyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay ginawang naval base sa panahon ng mga amerikano. Matatagpuan din dito ang makasaysayang lugar ng Kawit kung saan unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas ni Emilio Aguinaldo. Sa probinsya din ng Cavite matatgpuan ang kilalang distinasyon kapag summer ang Tagaytay.
Ito ay ,mayroong 41 industrial eco zones at 760 industrial establishments. Maraming Hotel, Resorts at leisure parks ang makikita dito halimbawa nalang ng Island Cove, Caylabne, Watercamps. Puerto Azul at marami pang iba. Meron narin magilan-ngilang Unibersidad tulad ng Cavite State University, De La Salle University at Lyceum.Ang Bacoor ay major road sa ibat- ibang probinsya tulad ng Batangas at ibang parte ng probinsya ng Cavite kaya ito inaasahan na napakabusy at mataong lugar.
II. Panimula tungkol sa Paksa(B.Kabataan-España)
Ang kabataan sa lungsod ay mas malapit sa mga tukso o sa distraksyon sa kanilang pag-aaral. Mas madali silang mahumaling sa mga bagay na nakakasira ng kanilang pag-aaral o ng kanilang buhay dahil sa dami na kanilang puwedeng pagpilian na gawin. Mas mapupusok at adventurous sila sa mga bagay na ginagawa nila. Malaki din ang nagiging influence o peer-pressure mula sa kanilang mga kaibigan o ng kanilang mga “barkada” sa kanilang ginagawa na kadalasan nagpapahamak sa kanila sa bandang huli. Marami ring mga kabataan na pinapatigil sa pag-aaral ng kanilang mga magulang dahil sila ay nagloloko lamang at gumagawa ng mga bagay na nakakasira sa kanila. Mayroon rin naming mga kabataan na masisipag na nagtratrabaho sa mga food chains para pang-tuition nila at para makatulong sa mga magulang nila na pandagdag sa pambayad sa mga gastusin sa bahay. Maraming klase ng kabataan ang makikita sa lungsod, mayroong mga pasaway, mababait, matigas ang ulo at iba pa. Nasa tao na rin siguro kung paano niya gagawing makabuluhan ang kanyang buhay.
II. Paninimula tungkol sa Paksa(A.Kapaligiran-España)
Ang España Boulevard ay ang pangunahing pampublikong daanan sa district ng Sampaloc, Manila at ng kanlurang bahagi ng Quezon City. Ang pangalan nito ay ay isinunod mula sa bansang España na sumakop sa Pilipinas sa loob ng 333 taon.
Sa kapaligiran ng España, Manila ay maraming makikita na mga maaaring pagtuonan ng pansin ng mga kabataan. Mayroong mga computer shop, kainan, bars, tambayan at iba pang puwedeng puntahan. Sa mga computer shop sa paligid ay ang kadalasang pinupuntahan ng mga kabataan upang makapag-laro sila ng mga computer games, kagaya ng dota, counter strike at iba pa; dito rin sila kadalasan nakakapag-internet upang makapag-update ng kanilang mga accounts sa Friendster, multiply at iba pang mga sites na kinahuhumalingan ng mga kabataan, nagiging paraan din ito ng komunikasyon nila sa mga mahal nila sa buhay na malayo sa kanila sa pamamagitan ng e-mails, YM at iba pa. Dito rin sila minsan gumagawa ng kanilang mga asignatura at mga proyekto sa eskwelahan na hindi nila natapos o nagawa sa bahay. Mayroon ding mga kainan na malapit at mura. Nagiging tambayan ang mga ito ng mga estudyante, dito sila kumakain sa libre nilang oras at dito rin nag-uusap-usap ang mga magkakaibigan tungkol sa mga bagay-bagay na hindi nila puwedeng pag-usapan minsan sa telepono, bahay o eskwelahan; minsan dito rin sila gumagawa ng kanilang mga asignatura kasama ng kanilang mga kaibigan; dito rin sila minsan nag-aaral ng sabay-sabay para magtulungan sa kanilang pag-aaral. Mayroon ding mga bars na madalas pinupuntahan ng mga estudyante at tinatambayan nila na pang-palipas oras. Dito nila inilalabas ang stress nila dahil sa kanilang mga problema sa buhay, katulad ng problema sa bahay, eskwelahan o sa personal nilang buhay. At ito rin minsan ang nagiging rason ng pagkasira ng pag-aaral ng ilang kabataan dahil sa pagkatuto nilang uminom at ,manigarilyo, kadalasan hindi na sila pumapasok sa kanilang mga klase. Maraming lumalabas na bagong teknolohiya na maaaring tumutulong sa pag-aaral ng mga estudyante ngunit minsan ang mga ito rin ang nagiging rason kung bakit nagiging tamad at nasisira ang pag-aaral ng mga estudyante.