Sa obserbasyon ng mga mananaliksik sa paligid at pagkuha ng mga opinion ng mga kabataan sa pamamagitan ng sarbey, masasabi ng mga mananaliksik na mas simple ang pamumuhay ng kabataan sa probinsya kaysa sa lungsod. Sa probinsya kasi ay mas kaunti ang teknolohiya na nagagamit ng mga kabataan at kaunti rin ang mga libangan. Sa lungsod, polusyon ay makikita sa tabi-tabi lamang at maaaring maka-apekto sa pag-aaral ng mga kabataan. Kapag sila ay nag-absent ng ilang araw dahil sa sakit na galing sa polusyon, maaaring hindi siya makahanol sa kanilang lesson sa klase. Isang uri pa ng polsyon ang "noise pollution" na kung saan ang ingay na nanggagaling sa iba't-ibang lugar o bagay ay nakaka-apekto sa mood ng mga kabataan. Base sa sarbey ng mga mananaliksik, karamihan sa mga kabataan sa lungsod ang nagsasabi na ang noise pollution ay nakakasira sa pagkatuon nila sa pag-aaral. Maraming libangan sa lungsod tulad ng computer ang nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kabataan. mayroong mabuti at masamang epekto ang paggamit ng computer. Alam naman natin na nakakatulong ito sa ating mga asignatura dahil mas pinapadali ang atin pag-hanap ng mga research at natatapos rin natin ang ating mga proyekto sa tulong ng computer. Ginagamit din ng mga kabataan ang computer para sa kanilang panlilibang. Sa sarbey ng mga mananaliksik marami rin ang nagsabi na kapag wala silang ginagawa ay nagpupunta sila sa computer shop para magpalipas ng oras. Ang iba naman ay inuuna ang paglalaro ng computer sa kanilang pag-aaral o kaya pagdating nila sa kanilang bahay ay saka palamang sila gagawa ng kanilang asignatura. Kung paulit-ulit ito gagawin ay maaaring masanay ang kabataan maging tamad.
Ayon sa mga resulta ng mga mananaliksik, ang mga sagot ng mga kabataan mula sa Bacoor, Cavite ay hindi nalalayo sa mga kabataan sa Maynila. Masasabi ng mga mananaliksik na ang mga gawain at mga lugar na pinupuntahan ay pareho lamang. Hindi rin nagkakalayo ang kanilang mga opinyon sa mga bagay na kasama sa kanilang mga prioridad.
Samakatuwid, ang nagawang patunayan ng mananaliksik na ang pamumuhay ng mga kabataan sa España, Manila na isang lungsod ay hindi nagkakalayo sa pamumuhay ng mga kabataan sa Bacoor, Cavite.
No comments:
Post a Comment