D. Metodolohiya
Isa sa mga layunin ng pag-aaral na ito ay makapag-bigay impormasyon tungkol sa lugar ng paksa. Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Isa sa mga layunin ng pag-aaral na ito ay makapag-bigay impormasyon tungkol sa lugar ng paksa. Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
I. pagkalap ng mga datos sa internet
II. pagpunta sa mismong lugar ng paksa (Bacoor, Cavite at España, Manila)
III. pagsasagawa ng sarbey
Sa pagkakalap ng mga datos sa internet, kumuha lamang ang mga mananaliksik ng mga ideya ukol sa paksa sa maaaring makatulong o makadagdag ng impormasyon. Kasama sa mga datos na ito ay ang deskripsyon ng lugar ng Bacoor, Cavite at España, Manila na maaaring hindi napansin ng mga mananaliksik sa kanilang pagpunta sa mga naturang lugar.

Sa pagpunta ng mga mananaliksik sa mga nabanggit na lugar, sila ay nagsagawa ng mga obserbasyon sa lugar. Inalam nila ang mga hitsura ng paligid, ang mga tao sa paligid nito at ang mga lugar na maaaring puntahan. Kasama na rin sa kanilang pag-oobserba ang mga gawain ng mga tao partikular na ang mga kabataan.
Huli sa lahat, ang pagsasagawa ng sarbey ng mga mananaliksik. Ang sarbey ay isinagawa sa sa Bacoor, Cavite pati na rin sa España, Manila. Ang mga magsasagot ng sarbey na ito ay ang mga kabataan na may edad 16 hanggang 19 na taon sa mga nasabing lugar lamang. Sa kalagitnaan ng tesis na ito ay ipapakita ang mga katanungan sa sarbey at ang mga resulta nito.
No comments:
Post a Comment