II. Paninimula tungkol sa Paksa(A.Kapaligiran-España)

A. Kapaligiran ng España, Manila


Ang España Boulevard ay ang pangunahing pampublikong daanan sa district ng Sampaloc, Manila at ng kanlurang bahagi ng Quezon City. Ang pangalan nito ay ay isinunod mula sa bansang España na sumakop sa Pilipinas sa loob ng 333 taon.






Sa kapaligiran ng España, Manila ay maraming makikita na mga maaaring pagtuonan ng pansin ng mga kabataan. Mayroong mga computer shop, kainan, bars, tambayan at iba pang puwedeng puntahan. Sa mga computer shop sa paligid ay ang kadalasang pinupuntahan ng mga kabataan upang makapag-laro sila ng mga computer games, kagaya ng dota, counter strike at iba pa; dito rin sila kadalasan nakakapag-internet upang makapag-update ng kanilang mga accounts sa Friendster, multiply at iba pang mga sites na kinahuhumalingan ng mga kabataan, nagiging paraan din ito ng komunikasyon nila sa mga mahal nila sa buhay na malayo sa kanila sa pamamagitan ng e-mails, YM at iba pa. Dito rin sila minsan gumagawa ng kanilang mga asignatura at mga proyekto sa eskwelahan na hindi nila natapos o nagawa sa bahay. Mayroon ding mga kainan na malapit at mura. Nagiging tambayan ang mga ito ng mga estudyante, dito sila kumakain sa libre nilang oras at dito rin nag-uusap-usap ang mga magkakaibigan tungkol sa mga bagay-bagay na hindi nila puwedeng pag-usapan minsan sa telepono, bahay o eskwelahan; minsan dito rin sila gumagawa ng kanilang mga asignatura kasama ng kanilang mga kaibigan; dito rin sila minsan nag-aaral ng sabay-sabay para magtulungan sa kanilang pag-aaral. Mayroon ding mga bars na madalas pinupuntahan ng mga estudyante at tinatambayan nila na pang-palipas oras. Dito nila inilalabas ang stress nila dahil sa kanilang mga problema sa buhay, katulad ng problema sa bahay, eskwelahan o sa personal nilang buhay. At ito rin minsan ang nagiging rason ng pagkasira ng pag-aaral ng ilang kabataan dahil sa pagkatuto nilang uminom at ,manigarilyo, kadalasan hindi na sila pumapasok sa kanilang mga klase. Maraming lumalabas na bagong teknolohiya na maaaring tumutulong sa pag-aaral ng mga estudyante ngunit minsan ang mga ito rin ang nagiging rason kung bakit nagiging tamad at nasisira ang pag-aaral ng mga estudyante.

No comments: