A. Suliranin
Ang napiling paksa ng mga mananaliksik ay ang kaibahan ng pamumuhay ng mga kabataan na nasa edad 16-19 sa Bacoor, Cavite at España, Manila. Ang nais patunayan ng mga mananaliksik ay ang kaisipan na hindi gaano nagkakalayo ang pamumuhay ng mga kabataan sa España, Manila at sa Bacoor, Cavite kahit ito ay isang probinsya lamang.
Sa pananaliksik na ito, nais malaman ng mga mananaliksik, una sa lahat, kung ano ang mga mga bagay na ginagawa ng mga kabataan at kung saan-saan sila madalas magpunta sa kanilang lugar. Sa pamamagitan nito, malalaman ng mga mananaliksik kung alin sa mga lugar mas simple o moderno ang pamumuhay ng mga kabataan.
Isa pang bagay na nais pag-aralan ng mga mananaliksik ay ang kapaligiran ng mga nasabing lugar. Aalamin ng mga mananaliksik kung paano nakakaapekto sa pamumuhay ng mga kabataan ang kanilang paligid. Kasama na rin sa kaligiran ay ang mga taong madalas kasama ng mga kabataan at kung paano sila nakakaapekto sa pamumuhay ng mga kabataan.
Bahagi rin ng mga nais pag-aralan ng mga mananaliksik ay ang mga prayoridad ng kabataan sa mga nabanggit na lugar. Ang kanilang mga prayoridad ay bahagi ng kanilang pamumuhay at ito ang madalas naaapektuhan ng kanilang paligid. Aalamin sa pananaliksik na ito kung ano ang mga bagay na inuuna ng mga kabataan sa kanilang pamumuhay.
Huli sa lahat, nais malaman ng mga mananaliksik kung ano ang opinyon ng mga kabataan kung saan nga ba mas simple o moderno ang pamumuhay ng mga kabataan, kung ito ba ay sa Bacoor, Cavite o sa España, Manila.
No comments:
Post a Comment