B. Layunin ng Pag-aaral
Una sa lahat, layunin ng mga mananaliksik na makapagbigay impormasyon sa kanilang kapwa.
Ang mga impormasyon na nais maibahagi ng mga mananaliksik ay ang mga sumusunod:
· Ang makapagbigay ng malinaw na ideya kung ano ang klase ng pamumuhay ng mga kabataan sa Cavite at sa Maynila.
· Ang pagpapakita ng kaibahan ng pamumuhay ng mga kabataan sa mga nasabing lugar.
· Ang mga prayoridad ng mga kabataan sa kanilang pamumuhay.
· Ang mga bagay na nakakaapekto sa kanilang pamumuhay tulad ng kanilang kapaligiran at ang mga tao sa kanilang paligid.
· Ang makapagbigay ng paglalarawan sa lugar ng Bacoor, Cavite at España, Manila ay bahagi rin ng layuning ito.
Pangalawa, layunin rin ng mga mananaliksik na makapagsagawa ng isang sarbey na ito ay kukuha ng opinyon pati na rin ng impormasyon tungkol sa mga kabataan sa mga nasabing lugar. Makakatulong ang opinyon ng mga kabataang ito sa pagpapatunay ng kaisipan ng mga mananaliksik.
At ang huli, isa sa mga layunin ng mga mananaliksik maipakita at mapatunayan ang kanilang opinyon na hindi nagkakalayo ang pamumuhay ng mga kabataan sa España, Manila at sa Bacoor, Cavite kahit ito ay isang probinsya lamang.
No comments:
Post a Comment