I. Panimula tungkol sa Pananaliksik(C.Kahalagahan)

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Isa sa mga kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang pagbibigay ng bagong kaalaman sa mga mambabasa. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga taong nais makaalam ng klase o kaibahan ng pamumuhay sa Cavite at Maynila.

Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga nais pang manaliksik sa mga pag-aaral na may kinalaman sa paksang ito sa hinaharap. Maaari nilang gamitin ang mga nakalap nang impormasyon at maaari rin sila magdagdag ng mga panibagong kaalaman.


Isa rin sa mga kahalagahan ng pag-aaral na ito ay maitatama nito ang mga maling kaisipan ng mga tao sa mga kabataan sa Cavite man ito o sa Maynila. Alam nating lahat na may mga maling persepyon ang mga tao sa mga kabataan. Para sa mga taong nakatira sa isang probinsya tulad ng Bacoor, iniisip sa kanila ng mga tao na hindi gaano masaya ang pamumuhay. Para sa iba, ang mga kabataan dito ay hindi gaano nakakapag-aral mabuti at walang “social life.” Para sa mga kabataang taga-Maynila naman, iniisip na sila ay mga pabaya sa pag-aaral dahil sa mga dami ng mga lugar at bagay na nakakabaling ng kanilang atensyon sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maipapakita na mali ang mga persepyon na ito.


Kasama sa mga kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang pagpapakita ng mga opinyon ng mga kabataan sa ganitong usapan sa pamamagitan ng sarbey ng mga mananaliksik.

At huli sa lahat, ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay makapagpapaliwanag ito ng mabuti sa kaibahan ng pamumuhay ng kabataan sa Cavite at Maynila. Kahalagahan ng pag-aaral na ito na maipakita, maipaliwanag at mapatunayan ang opinyon ng mga mananaliksik.

No comments: