I. Panimula tungkol sa Pananaliksik(F.Daloy ng Pag-aaral)
F. Daloy ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng limang kabanata at ito ang mga sumusunod:
I. Panimula tungkol sa pananaliksik
II. Panimula tungkol sa paksa
III. Katawan
IV. Konklusyon
V. Mga Sanggunian
Sa unang kabanata, nagbibigay ng ideya ang mga mananaliksik kung tungkol saan ang pag-aaral na ito, kung ano ang layunin, ang nais patunayan at ang saklaw ng pag-aaral na ito.
Sa ikalawang kabanata naman ay nagbibigay ng impormasyon at nagbibigay rin ng larawan sa mga lugar na napili (Bacoor, Cavite at España, Manila) at ang mga kabataan sa mga lugar na ito.
Ang katawan ay binubuo ng sarbey. Sa pagtalakay ng sarbey, narito ang presentasyon ng mga katanungan na nasa sarbey na isinagawa ng mga mananaliksik. Kasama rin dito ang presentasyon ng mga resulta. Maipapakita ang mga opinyon at ideya ng mga kabataan sa Cavite ay Maynila.
Ang konklusyon ang susunod sa katawan. Ipinapakita sa konklusyon kung ang nagawang patunayan ng mga mananaliksik ang kanilang opinyon. Ipinapakita rin dito ang mga bagong kaalaman na kanilang natamo.
Ang huling kabanata ay ang mga sanggunian. Dito makikita ang mga ginamit na materyales sa pagkalap ng mga datos na ginamit sa pag-aaral na ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
thankyou for your information😊
Thank you for information
omg tnx :)
Post a Comment